DPWH, dapat ibaba ang presyo ng mga proyekto sa ilalim ng 2026 budget para maiwasan ang korapsyon

Umaapela si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsumite ng bagong presyo ng mga proyekto.

Umaasa si Leviste na gagawin ito ng DPWH bago ang preriod of ammendments sa Biyernes at bago aprubahan ng Kamara ang proposed 2026 National Budget.

Giit ni Leviste, dapat ibaba ng DPWH ng 25% ang Detailed Unit Price Analysis (DUPA) at Approved Budget for the Contract ng lahat ng mga proyekto nito.

Diin ni Leviste, layunin nitong matiyak na walang overpriced na mga proyekto na syang pinagkukunan ng 20-30% kickbacks o tinatawag ding Standard Operating Procedure (SOP).

Bukod dito ay nais din ni Leviste na idetalye ng DPWH ang budget para sa mga distrito, at ang comparison nito sa isinumiteng budget proposal ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa version ni Secretary Vince Dizon.

Nais din ni Leviste na magsumite ang DPWH ng listahan ng mga proponent ng bawat proyekto na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).

Facebook Comments