
Bukas ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gamitin ang mga datos at impormasyon na makukuha ng media sa ginagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control project.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, lahat ng maaaring makuhang report mula sa media, impormasyon galing sa publiko at Sumbong sa Pangulo website ay gagamitin para mas mapatibay ang ebidensiya.
Paliwanag naman ng kalihim, bagama’t nakapaghain na ng dalawa kaso hinggil sa palpak na proyekto sa Bulacan at Mindoro hindi nila minamadali ang paghahahin ng iba pang kaso.
Aniya, posible kasing hindi mabalewala o hindi maparusahan ang mga sangkot kung hindi sapat ang hawak nilang ebidensiya.
Sinabi ni Dizon, marami pa silang inaalam at iniimbestigahan hinggil sa isyu ng palpak na flood control project kung saan sisiguraduhin nila na mananagot ang mga ito sa batas base na rin sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.









