DOTr, pansamantalang naglagay ng mga portalet sa ilang istasyon ng LRT-1

Pansamantalang naglagay ang Department of Transportation (DOTr) ng mga portalet sa tatlong istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) upang magamit ng mga pasahero habang iniaayos ang mga comfort room.

Ito ay matapos bisitahin ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang Pedro Gil Station noong nakaraang linggo, kung saan nakita niyang nakasarado ang mga palikuran at ginawang tambakan.

Bukod dito, naglagay rin ng portable toilet sa UN Avenue Station at Vito Cruz Station habang isinasagawa rin ang pagkukumpuni sa mga comfort room sa mga naturang istasyon.

Nagpasalamat si Lopez sa pagtugon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa kaniyang direktiba na gawing accessible ang mga palikuran sa bawat istasyon.

Facebook Comments