DPWH, ikinabahala ang isyu hinggil sa suhulan kung saan sangkot ang isang district engineer sa Batangas

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na seryosong tinutugunan ang mga alegasyon laban sa isang district engineer sa Batangas.

Ayon sa DPWH, hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng katiwalian at buo ang suporta nila sa imbestigasyon ng mga kinauukulang awtoridad.

Kasunod nito, agad na ire-relieve sa kaniyang pwesto ang nasabing opisyal at ipapataw ang preventive suspension.

Giit ng ahensiya, sinumang mapatunayang nagkasala ay dapat managot at harapin ang buong bigat ng batas.

Matatandaang lumutang ang alegasyon na ang isang district engineer na nagngangalang Abelardo Calalo na naka-assign sa Batangas ay na-entrap at nakatakdang sampahan ng kaso bukas ni Congressman Leandro Leviste matapos tangkaing suhulan ng ₱360 million ang mambabatas.

Facebook Comments