Iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pagtanggi na ipatupad ang suspensyon at dismissal sa tatlong matataas na opisyal ng kagawaran.
Sa desisyon na inilabas ni Ombudsman Samuel Martires, ipinag-utos niya ang pagsasagawa ng fact finding investigation.
Iniutos din ni Ombudsman Martires kay Assistant Ombudsman Ceasar Asuncion na bumuo ng panel of investigators.
Binigyan din ni Ombudsman Martires ang panel ng tatlumpung araw para maisumite ang kanilang report at rekomendasyon.
Ginawa ito ni Ombudsman Martires matapos na hindi ipatupad ng dpwh ang kautusan ng anti-graft body na isuspinde at i-dismiss ang tatlong regional director at district engineers.
Kabilang dito sina DPWH Region 8 Assistant Director Virgilio Eduarte Eduarte na pinatawan ng anim na buwan na suspensyon pero hindi ipinatupad.
Pagdismis kay Engineer Oscar Isidro ng DPWH-Manila pero walang naging aksyon.
Davao Oriental First Engineering District Joselito Canallero na pinatawan ng dismissal ng ombudsman.