Military exercises ng Amerika at Pilipinas ngayong taon tuloy pa rin

113

Sa kabila na ipinaabot na ng Pilipinas sa Amerika ang notice of termination ng Visiting Forces Agreement ay matutuloy pa rin ang mga military exercises ngayong taon sa pagitan ng US military at Philippine Military.

Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.


Aniya mayroon pang natitirang 180 days para ituloy ang scheduled US at Philippine Military Exercise sa bansa.

Pero ang problema ay nagdesisyon na ang Amerika na huwag nang ituloy ang scheduled military exericise hanggang matapos ang 180 days.

Sinabi ni Lorenzana kapag final na ang termination susundin nilang ang nakapaloob sa batas na wala nang mangyayaring military exercises sa pagitan ng US at Pilipinas.

 

Una nang sinabi ni US State Department Assistant Secretary for Political-Military Affairs Clarke Cooper na 300 military exercises ng US at Philippines na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ang maapektuhan ng termination ng kasunduan.

Facebook Comments