DPWH, ipagpapatuloy muli ang pag-aayos ng mga daanan ngayong weekend sa ilang kalsada sa Metro Manila

Magkakaroon muli ngayong weekend ng road reblocking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Kung kaya naman nagpaalala ang ahensya sa  mga motorista na bibiyahe ngayong araw.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may 22 lugar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang kasalukuyang isinasailalim ng DPWH sa reblocking at pagsasaayos ng kalsada.


Isa na rito ang bahagi ng C5 sa Pasig at Makati City, San Juan Annapolis, EDSA sa bahagi ng Caloocan at EDSA Taft Avenue, kasama rin ang bahagi ng Roxas Blvd. at EDSA Flyover Southbound sa Pasay.

Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan na lamang sa alternatibong ruta para hindi mahuli sa pupuntahan o maabala sa kanilang pagmamaneho.

Samantala bukas, September 25, araw ng lunes, inaasahan na magiging fully passable na ang mga apektadong kalye simula alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments