DPWH, magsasagawa ng pagkukumpuni ng kalsada ngayong gabi

33

Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng mga kalsada mamayang alas-11:00 ng gabi hanggang Lunes, September 13.

Base sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga lugar na kukumpunihin ng DPWH na posibleng apektado sa trapiko ay ang EDSA Caloocan Southbound Urbano Plata St., 4th lane mula sidewalk, C-5 Road Northbound bago mag-McKinley, España Boulevard mula Extramadura St. hanggang M. Dela Fuente St.


Pinayuhan ng MMDA ang lahat ng mga motoristang apektado sa pagkukumpuni ng DPWH, na humanap ng ibang alternatibong daanan habang ang lahat ng mga apektadong kalsada ay posibleng madaanan sa alas-5:00 ng umaga sa Lunes, September 13.

Humingi rin ng paumanhin ang DPWH sa mga motorista sa kanilang isinasagawang pagsasa-ayos ng kalsada dahil kapag natapos na ito ay pakikinabangan at maginhawa ng makadadaan ng maluwag ang mga motorista.

Facebook Comments