Kulay berde na pagong sa Romblon, nailigtas ng PCG

26

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang green sea turtle na na-trap sa fishnet na sakop ng karagatan ng Barangay Sugod, Cajidiocan, Romblon.

Ayon sa PCG, ang green sea turtle na may sukat na 108 centimeters ang haba at 96 centimeters ang lapad ay ikinokonsidera na critically endangered species.


Paliwanag ng mga tauhan ng PCG Substation Cajidiocan, natuklasan nila at nai-rescue ang marine animal habang nagsasagawa sila ng maritime patrol sa naturang karagatan.

Agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng PCG sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa assessment and evaluation ng naturang endangered species.

Facebook Comments