DPWH, magsasagawa ng road reblocking sa linggo, ayon sa MMDA

Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa gagawing road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong darating na linggo.

Ito’y para bigyang daan ang pagsasagawa ng road repairs ‪mula April 23 hanggang April 25‬.

Nakasaad sa abiso na apektado ng nasabing road repair ang EDSA, mula Dario Bridge hanggang Landers, first lane mula sidewalk, northbound.


Kasama rin ang Agham Road, harap ng Office of the Ombudsman, second lane mula center island.

Dahil dito, maaaring gamitin ng mga motorista ang North Avenue, Quezon Avenue, at EDSA bilang mga alternatibong ruta.

Sinabi rin sa abiso an ang mga apektadong kalsada ay magiging fully passable ‪sa Lunes, April 26.‬

Payo naman ng MMDA sa mga motorista na huwag munang dumaan sa mga nabanggit na lugar o kalsada upang maiwasan traffic build up.

Facebook Comments