DPWH, nag-overspending sa Build Build Build Projects

Manila, Philippines – Inamin ni Public Works and Highways Secretary, Mark Villar na malaki na ang nagagastos sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan.

Sa Forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Villar na wala ng underspending dahil lumaki na nang husto ang ginugol ng gobyerno sa mga proyektong tinatayo mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ng kalihim na taun-taon ay 20,000 proyekto ang kanilang nanatapos at ngayon ay nasa kalahati na sila ng kabuuang Build Build Build projects ng gobyerno.


Kumpiyansa si Villar na lahat ng proyektong sinimulan sa ilalim ng Duterte administration ay matatapos bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Facebook Comments