DPWH, naglabas ng abiso kaugnay sa mga kalsada sa Metro Manila na sasailalim sa pagsasaayos ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Sasamantalahin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Semana Santa para isailalim sa pagsasaayos ang ilang mga kalsada sa Metro Manila simula bukas (April 13) hanggang sa Linggo (April 16).

Sa Maynila, sasailalim sa drainage project ang: Northbound lane sa kanto ng P. Burgos. Sa Quezon City, sasailalim sa road repair ang: Ikalawang linya ng Southbound lane mula Roosevelt Ave hanggang Quezon Avenue ikalawang linya mula Mindanao Avenue hanggang Aeceli St sa Quirino Highway.

Ikatlong linya mula Luzon St. hanggang Tandang Sora Ave sa Congressional Road Extension. Sa Mandaluyong City (EDSA), sasailalim rin sa road repair ang: Ikatlong linya ng Southbound lane sa tapat ng Citynet 1. Unang linya ng Southbound lane sa tapat ng Transcom, unang linya ng Southbound lane sa tapat ng Lux Center.


Unang linya ng Southbound lane sa kanto ng Shaw Service Road. Ikatlong linya ng Northbound lane ng EDSA Shrine. Habang ang EDSA-Ortigas Flyover/ Interchange ay sasailalim sa bridge rehab.

Sa Pasay City, sasailalim sa drainage project ang: Southbound mula Tripa de Galina sa tapat ng Kabayan Hotel.

Sa Pasig City (C5), sasailalim sa road repair ang: Southbound lane mula J. Vargas hanggang Pasig Blvd. habang sasailalim naman sa bridge rehab ang CP Garcia bridge at Julia Vargas bridge. at sa Valenzuala City naman, unang linya mula sa Cayetano St. patungong China Bank ang sasailalim sa road repair.

Ayon sa DPWH, makabubuti kung humanap na lang ng mga alternatibong ruta upang hindi na maabala sa pagbiyahe.
Nation”

Facebook Comments