DPWH, naglagay ng Disinfecting Station sa QC kung saan matatagpuan ang mga hospital na may pasyente ng COVID-19

55

Dinagdagan ng DPWH ang seguridad kontra sa nakamamatay na sakit na Coronavirus.

Naglagay sila ng Disinfecting Station sa East Ave. Quezon City kung saan nakapalibot ang 4 na malalaking hospital.


Gamit ang mga tubo na binutasan, binubugahan ng tubig na may kemikal ang mga sasakyan bago ito makadaan.

Kung maaalala, isinailalim sa Extream Enhanced Community Quarantine ang nasabing lugar.

Ibig sabihin, sarado sa motorista ang East Ave. at tanging ssential workers, bantay sa hospital at health workers ang pinapahintulutang makalagpas.

Ayon sa DPWH, naglagay din sila ng disinfecting station sa iba pang bahagi ng Metro Manila.

Facebook Comments