DPWH, nagpadala na ng team sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Nagpadala na mga team ang Department of Public Works and Highways sa ilang lugar sa Mindanao para mag assess sa pinsala ng 6.6 magnitude na lindol sa rehiyon.

 

Partikular na magtutungo ang team ng DPWH sa Davao, davao del Sur, Davao Occidental, South Cotabato, North Cotabato, Agusan del Sur, Bukidnon, Sarangani, Sultan Kudarat at Zamboanga kung saan naramdaman ang malakas na pagyanig.

 

Layon nitong mainspeksyon ang lawak ng pinsala ng lindol sa mga istraktura roon.


 

Binuksan rin ng DPWH ang kanilang hotline na 165-02  para tumanggap ng mga report, request para sa inspection, at rescue.

 

Bukas ang nasabing hotline 24/7 para tumanggap ng mga tawag mula sa publiko.

Facebook Comments