Hamon ng Pangulo kay VP Leni na resolbahin ang illegal drugs sa loob ng anim na buwan, pinalagan ng isang opposition senator

Pinalagan ni Sen Kiko Pangilinan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na solusyunan ang problema sa illegal na droga sa loob ng anim na buwan.

 

Ayon kay Pangilinan, malabo itong mangyari dahil ang Administrasyong Duterte nga na nakatatlong taon na ang termino ay bigo pa ring maresolba ang problema sa ilegal na droga.

 

Sumbat ni Pangilinan, hanggang ngayon ay pang nahuhuli na drug lord at wala pang kinukulong na kahit sinong opisyal ng Bureau of Customs.


 

Sabi ni Pangilinan, ito ay kahit tone toneladang shabu ang nakakalusot sa BOC.

 

Kantyaw pa ni Pangilinan pati mga sangkot na umano’y ninja cops ay nabibigyan pa ng pinakamataas na pwesto sa Philippine National Police o PNP.

Facebook Comments