Mapapakinabangan na ng mga magsasaka at residente ng Aurora ang kaTatapos lamang na tulay na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magdurugtong sa dating mga isolated community sa lugar.
Ayon sa DPWH, magsisilbi itong daanan para sa transportasyon ng mga materyales at agricultural goods sa mga kalapit na mga pamilihan.
Ang itinayong 60-lineal meter Biclat Bridge sa kahabaan ng A.C. Buencamino Street na tumatawid ng Biclat River ay tutulong sa mga residente ng mga isolated community sa San Luis partikular na sa mga Barangay ng Dibalo at Dibut.
Ang nasabing tulay ay pinondohan sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act kung saan umabot ito sa halagang P55.85 milyon kabilang ang konstruksyon ng 454-meter na kalsada at isang flood control structure na may access ramp para sa ligtas na pagtawid ng mga residente sa Biclat River.
Sa ngayon, binubuo ang nasabing kongkretong tulay ng 38 solar streetlights, thermoplastic pavement markings at mga road safety signage para sa kaligtasan ng mga motorista na dadaan sa tulay.