Libo-libong deboto, nakiisa sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila

Nakiisa ang nasa libo-libong deboto sa isinagawang mga aktibidad may kaugnayan sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila.

Alas-4:00 ng madaling araw nang simulan ang prusisyon kung saan umikot ito sa ilang lugar sa Tondo.

Sa datos ng Manila Police District (MPD), umaabot sa higit 6,000 ang nakiisa sa prusisyon habang wala naman naitalang anomang hindi inaasahang insidente.


Umaabot naman sa halos 20,000 ang nakiisa sa taunang “Lakbayaw Festival” habang marami rin ang dumalo sa ginanap na “Pailaw.”

Kaugnay nito, mahigpit na seguridad pa rin ang pinaiiral ng Manila Police District (MPD) hindi lamang sa paligid ng Sto. Niño de Tondo Church kundi sa buong Tondo District area.

Facebook Comments