Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang buong proyekto para sa EDSA decongestion projects ay gagawin sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na sa mga nakalipas na taon, si Pangulong Duterte ay personal na aktibo sa right-of-way ng mga flagship programs para sa EDSA decongestion.
Una na rin aniyang naideliver ang right-of-way ng Skyway at Harbor Link. Bukod dito, nagtalaga na aniya sila ng mga teams na tututok sa mga proyektong ito.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na kumpiyansa sila na sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte, maibabalik nila sa normal capacity ang EDSA.
Kung sa kasalukuyan aniya ay mayroong 400,000 na sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada araw, sa oras na makumpleto na ang mga proyektong ito, inaasahan nila na mababawasan ng 120, 000 o higit pa ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA.