
Para mabawasan ang pagdududa ng publiko at maisulong ang sinasabing transparency, sinimulan na ng iba’t ibang District Engineering Offices ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) ang pag-livestream ng kanilang procurement activities.
Sa abiso ng DPWH NCR, live nang mapapanood sa official YouTube channels ang bidding at procurement activity ng bawat distrito.
Kasama rito ang South Manila District Engineering Office, North Manila District Engineering Office, Metro Manila 1st hanggang 3rd District Engineering Office, kasama ang mga tanggapan sa Quezon City, Malabon-Navotas at Las Piñas-Muntinlupa.
Hinihikayat ng DPWH NCR ang stakeholders at ang publiko na mag-subscribe sa kanilang official channels sa YouTube para makatulong sa pagbabantay sa nasabing proseso.









