PICC, handa nang maging sentro ng ASEAN 2026 — PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging pangunahing venue ng ASEAN Summit 2026 sa Pilipinas ang bagong inayos at pinaganda na Philippine International Convention Center (PICC).

Ayon sa Pangulo, malaki ang papel ng PICC sa pagho-host ng bansa sa naturang summit at ikinamangha niya ang naging progreso ng pasilidad matapos sumailalim sa rehabilitasyon.

Bumalik na aniya sa dating ganda ang PICC na kahalintulad ng itsura nito noong una itong binuksan.

Pinuri din ng Pangulo si First Lady Liza Marcos sa naging pagtutok at kontribusyon nito sa pagpapaganda ng PICC bilang paghahanda sa malaking kaganapan.

Facebook Comments