DPWH-Quirino, Tiniyak na Matapos lahat ang mga Inaayos na Kalsada!

Tiniyak ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Quirino na walang matetenggang kalsada sa kanilang Lalawigan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Engr. Marifel Andes, ang District Engineer ng DPWH Quirino sa isinagawang Tipon-tipan sa kanilang tanggapan, nasa isang daang porsyento ang kanilang kasiguraduhan na walang mapapabayaang kalsada sa mga inumpisahang inaayos.

Kaugnay nito, iniinspeksyon ng kanilang tanggapan ang mga kalsada upang masuri ang kalidad nito at para sa maintenance ng mga ito.


Sa ngayon ay mayroon na umanong tatlong tulay, dalawang overflow bridge ang isinasaayos sa Lalawigan ng Quirino habang isang tulay naman ang ginagawa para sa road widening sa ilalim naman ng DPWH Regional Office.

Tiniyak rin ni Engr. Andes na makakapaglagay ang kanilang tanggapan ng sapat na reflectorized signages sa mga daan upang mabigyan ng babala o paalala ang mga motorista para makaiwas sa aksidente.

Facebook Comments