DPWH R2, NILINAW ANG NAGING PAHAYAG NI GOV. MAMBA TUNGKOL SA PONDO NG ISANG PAARALAN

Cauayan City – Nilinaw ng DPWH Region 2 ang tamang halaga ng pondong inilaan para sa pagtatayo ng isang gusali na may dalawang silid-aralan sa General Balao Elementary School sa Solana, Cagayan.

Sa isang panayam, sinabi ni Governor Manuel M. Mamba na umabot sa ₱10 milyon ang pondo sa proyekto.

Gayunpaman, pinabulaanan ito ng DPWH Region 2 at sinabing ang aktwal na pondong inilaan ay ₱5 milyon lamang, na nagmula sa General Appropriation Act (GAA) 2024.


Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng isang palapag na gusali na may dalawang silid-aralan, PWD-accessible ramp na may handrails, window grilles, palikuran, mga handwashing station, at mga learning tools gaya ng blackboard.

Ang gusali ay may sukat na 9.5 x 18 meters, habang ang bawat silid-aralan ay 7.5 x 9 meters.

Nanindigan ang ahensya ng DPWH Region 2 sa kanilang pangakong maging tapat at bukas sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Hinikayat din nila ang publiko na tiyakin ang tamang impormasyon sa pamamagitan ng paglapit sa wastong ahensya upang maiwasan ang anumang maling impormasyon.

Facebook Comments