Umabot sa 125 milyong piso ang naitalang damyos sa mga kalsada at tulay sa buong rehiyon uno ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 matapos ang nagdaang lindol.
Sa press briefing na isinagawa ng mga pangunahing ahensya inilahad ni DPWH Ilocos Region Disaster Risk Reduction and Management Focal Person Engineer Josefina Oamar nasa 54.2 milyong piso ang damyos sa kakalsadahan habang 71.58 milyong piso naman sa mga tulay.
Dagdag nito pinakamalaki ang nasira sa lalawigan ng Ilocos Sur kung saan naitala ang intensity 6.
Sa ngayon, patuloy ang assessment na kanilang isinasagawa ukol sa nagong epekto ng lindol sa mga flood control projects sa rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments