Mga labi ni ex-Lamitan City Mayor Rose Furigay, iniuwi na sa Basilan

152
Photo Courtesy: Abante Lamitan Facebook Page

Inilipad na patungong Mindanano ang mga labi ni dating Lamitan City Mayor Rose Furigay.

Alas-6:40 kaninang umaga nang dumating sa Zamboanga International Airport ang mga labi ng dating alkalde kasama ang asawa nito na si incumbent Lamitan City Mayor Roderick Furigay.

Mula sa airport, dinala ang kabaong ni Furigay sa Western Mindanao Command saka isinakay sa bangka papunta sa Basilan.


Linggo, Hulyo 24 nang masawi sa pamamaril si Furigay sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City gayundin ang personal aide nitong si Victor Capistrano at security guard ng Ateneo na si Jeneven Bandiala.

Sugatan naman sa pamamaril ang anak ng dating alkalde na si Hannah na noo’y dadalo sana sa kanyang graduation.

Nakakulong na ang suspek sa krimen na si Dr. Chao Tiao Yumol na aminadong pinagplanuhan ang pagpaslang bunsod ng matinding galit kay Furigay.



Facebook Comments