DPWH Regional Office 1, nakasungkit ng parangal!

34

Nakatanggap ng parangal ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1, sa pamumuno ni Regional Director Ronnel Tan bilang ‘Top Performing Implementing Unit” ng kagawaran.

Batay sa inilabas na datos, nahigitan ng DPWH Region 1 ang target nitong 87% Absortive Capacity o ang tamang paglaan o paggamit ng budget sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act habang umabot ng 97% ang kabuuang performance rating nito.


Nanguna rin ang DPWH Region 1 sa wasto at mabilis na paglalaan ng pondo sa unang bahagi ng taong 2021 para sa proyekto nito sa naturang rehiyon.

Facebook Comments