Wednesday, March 18, 2026

DPWH Sec. Dizon at Naga Mayor Robredo, pinasinungalingan ang usaping pagta-tandem sa 2028 elections

Pinasinungalingan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Naga City Mayor Leni Robredo ang kumakalat na usapin patungkol sa umanong pagta-tandem nila para sa 2028 national elections.

Lumabas kasi ang usapin matapos kumalat ang kanilang mga tarpaulin sa iba’t ibang lugar sa bansa, partikular sa Cebu at maging sa online, kung saan sinasabing tatakbo si Robredo bilang pangulo at si Dizon bilang bise-presidente nito.

Ayon kay Dizon, huwag nang bigyang-pansin ang mga naturang tarpaulin dahil nakatuon sila sa kanilang trabaho.

Dagdag pa niya, hindi rin umano konektado kay Robredo ang kaniyang pagbisita dahil sa katunayan ay nakatakda rin itong bumisita kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ngayong araw, March 18.

Samantala, sinabi rin ni Robredo na magka-tandem naman talaga sila ni Dizon, ngunit para lamang ito sa mga programa nila sa Naga tulad ng Oplan Kontra Baha at iba pang proyekto.

Binigyang-diin din ng alkalde na malayo pa ang eleksyon at mas inuuna nila ngayon ang kanilang trabaho.

Facebook Comments