
Ito ang pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kasunod ng mga isiniwalat ni Batangas Rep. Leandro Leviste na may mga miyembro ng kaniyang team ang may kaugnayan sa mga contractor.
Sa pulong balitaan ngayong Huwebes, iginiit ni Dizon na iimbestigahan niya ang team upang alamin kung totoo ang sinasabi ng kongresista.
Sa kabila nito, mas mainam din aniya kung pangalanan at tukuyin mismo ni Leviste kung sino ang mga ito at kung ano ang kanilang ginagawa.
Samantala, sa naging pulong naman kanina sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay muling tiniyak ni Dizon na malapit nang makasuhan at makulong ang mag-asawang Discaya at mga dating DPWH engineers na dawit sa anomalya sa flood control projects.
Sabi ni Dizon, iniimbestigahan na rin ang mga koneksiyon ng Discaya sa kumpanya ng ama ni Senator Bong Go na CLTG Builders.









