Inanunsiyo ngayon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa kaniyang Facebook post, inanunsiyo ni Secretary Villar ang pagiging positibo sa COVID-19 matapos niyang matanggap ang kaniyang test result ngayong araw.
Si Villar ang ikatlong Cabinet official na nagpositibo sa COVID-19 kung saan nauna na rin tinamaan ng virus sina Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Matatandaan na ang nasabing kalihim ang inatasan ng pamahalaan bilang isolation czar, na siyang mamumuno sa pagtatayo at pagsasaayos ng government facilities bilang quarantine centers.
Facebook Comments