DPWH Sec. Villar at DENR Sec. Cimatu, itinalagang bagong pinuno ng Task Force na mangangasiwa sa rehabilitation efforts ng pamahalaan

COURTESY Mark Villar Facebook page and The Bohol Chronicle

Hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force na pinalikha ni Pangulong Rodrigo Duterte na syang tututok sa ikakasang rehabilitation efforts ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na ang mangangasiwa sa naturang Task Force.

Ito ay ayon kay Roque, ang ilan sa mga binago sa Executive Order na lumilikha sa “Build Back Better Task Force.”


Ang pagbabago aniya ay ginawa base na rin sa Siyensya.

Paliwanag ni Roque, marapat lamang naman na pamunuan ng DPWH ang rehabilitation efforts dahil ang pinag-uusapan dito ay pagkukumpuni at paggawa ng mga tulay, lansangan at mga gusali na winasak ng bagyo.

Habang nasa DENR naman aniya ang bola kung scientific reason ang pag-uusapan lalo na sa isyu ng climate change.

Facebook Comments