DPWH, tiniyak na ligtas ang mga paaralang naapektuhan ng lindol ngayong pasukan

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dadaan sa mabusising inspekyon ang mga paaralan ng naapektuhan ng mga nakalipas na lindol.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, makikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa Department of Education (DepEd) para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante lalo pa’t mahigit isang buwan na lang ay magbubulas na ang klase sa bansa.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon silang “Equipment Prepositioning at Mobilization Contingency Plan” para maging epektibo at organisado ang pagresponde kung sakaling tumama ang tinatawag na “The Big One” sa Mega Manila.


Base sa datos ng DPWH, nasa 53 school buildings sa Metro Manila ang nakitaan ng minor damages pero tatlo sa mga ito ang inirekomendang sumaialim sa structual evaluation.

Samantala, may pasok na ang mga estudyante at mga empleyado ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa Paco, Maynila.

Ito ay matapos ilipat sa Building 5 at 6 ang klase at office operations ng EAC matapos tumagilid ang Building 7 nito nang tumama ang 6.1 Magnitude na lindol sa Luzon noong Abril 22.

Facebook Comments