Gumuhong Supermarket sa Porac, Pampanga, idineklarang “cleared na” ng PNP

Idineklara nang “cleared” ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos tamaan ng 6.1 Magnitudena lindol noong Abril 22.

Ayon kay Pampanga Police Director Police Colonel Jean Salavador Fajardo, nasuyod ba ng mga rescuers ang lahat ng sulok ng bumagsak ng bahagi ng supermarket.

Sa kabila nito, may lima pa ring nawawala sa Pampanga matapos ang lindol.


Labinwalo (18) naman ang nasawi at nasa 243 ang nasugatan.

Nauna nang itinigil ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang search, rescue and retrieval operation sa gumuhong supermarket.

Facebook Comments