Dr. Sally Gatchalian, kapatid ni Ruby Rodriguez, pumanaw na sa COVID-19

Instagram/@rodriguezruby

Namaalam na si Ruby Rodriguez sa kapatid niyang si Dr. Sally Gatchalian na nasawi sa novel coronavirus (COVID-19).

Ibinalita ng “Eat Bulaga” host ang pagpanaw ng nakatatandang kapatid, sa Instagram, Huwebes.

“Say hi to Mom, Dad and Manong Robert. Be at peace, do not worry about us anymore. Have fun in heaven!” saad ni Rodriguez.


Si Gatchalian, na presidente ng Philippine Pediatric Society, ang pansiyam na doktor sa Pilipinas na binawian ng buhay dahil sa COVID-19, ayon kay Dr. Rustico Jimenez ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP).

Sa ngayon, mayroon ng 636 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 38 ang namatay na, habang 26 naman ang gumaling mula sa sakit.

Facebook Comments