Draft para sa pag-amyenda ng Local Government Code na nagpapaliban sa barangay elections ngayong taon, pinasisismulan na ni Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Nagbigay na ng direktiba si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang staff na gumawa ng draft para amyendahan ang Local Government Code na magsasakatuparan sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang barangay elections ngayong taon at magtalaga na lamang ng barangay officials.

 

Ayon kay Alvarez, kahit naka-break ngayon ang Kamara ay nagpagawa na siya ng draft para pagbalik ng sesyon ay pag-uusapan na nila ito kaagad.

 

Tiniyak pa ni Alvarez na hindi sila kakapusin sa oras dahil kapag naaprubahan ang draft ni Pangulong Duterte ay agad nila itong tatalakayin kung paano ito ikakasa.

 

Positibo si Alvarez na maaamyendahan nila ang Local Government Code bago ang nakatakdang Barangay Elections sa October 23, 2017.



Facebook Comments