Philippine Army sa Bicol region, todo alerto para sa darating na anibersaryo ng NPA

76

Manila, Philippines – Todo alerto ngayon ang buong puwersa ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa pangunguna ni Maj. Gen. Manolito P. Orense AFP katuwang ang tatlong brigade commander at siyam na battalion commander.

 

Ito ay para bigyang seguridad ang mga mamamayan lalo na ang mga negosyante at mga turista kasabay na rin ang seguridad sa kani-kanilang lugar.

 

Ipinangako at ipinahayag na ni Maj. General na kanilang paiigtingin ang seguridad at kampanya kontra sa mga rebelde.

 

Hinikayat din nila ang mga mamamayan na makiisa at magbigay ng impormasyon sa kanilang tanggapan.


Facebook Comments