Draft resolution na mag-iimbestiga sa war on drugs, pagbobotohan ng UNHRC

Pagbobotohan sa July 12 ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa susunod na linggo kung i-a-adopt ang draft resolution na mag-iimbestiga sa libu-libong namatay sa war on drugs ng Duterte administration.

Matatandaang ang Iceland, kabilang ang higit sa dosenang bansa sa Europa ang nagsumite ng resolusyon sa UNHRC.

Nakasaad sa draft resolution na kailangang makipagtulungan ang Pilipinas sa UN offices.


Hihilingin kay Rights Chief Michelle Bachelet na maghanda ng komprehensibong report tungkol sa human rights situation sa bansa na ipiprisinta sa konseho.

Samantala, sa kanyang talumpati sa Alangalang, Leyte kagabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte handa niyang harapin ang prosekusyon ng International Criminal Court (ICC).

Nanindigan din ang Pangulo na hindi niya ititigil ang kampanya kontra ilegal na droga at terorismo sa huling tatlong taon ng kanyang termino.

Nagbabala rin ang Pangulo sa human rights na huminto sa pamumuna nito.

Matatandaang gumugulong ang preliminary examination ng ICC sa dalawang reklamo laban sa Pangulo kaugnay sa ‘crimes against humanity’ dahil sa crackdown sa illegal drug trade.

Facebook Comments