DRAINAGE ENHANCEMENT PROJECT | Balintawak Cloverleaf, isasara muna simula sa Linggo

Simula sa Linggo, July 8 isasara muna sa mga motorista ang bahagi ng Balintawak Cloverleaf.

Ito ay dahil sa gagawing drainage enhancement project sa lugar.

Sa abiso ng North Luzon Expressway (NLEX), alas 11:00 ng gabi habang alas 4:00 ng madaling araw, sarado muna ang Balintawak Cloverleaf Southwest Ramp patungo sa A. Bonifacio Avenue mula Edsa-Monumento.


Tatagal ang road closure hanggang July 19.

Samantala, simula July 20 hanggang August 9, isasara naman ang Southwest Ramp patungong Edsa-Cubao at ang rightmost lane patungong A. Bonifacio Avenue sa pareho ring oras.

Facebook Comments