Drayber at Back Rider ng Motorsiklo, Nasagasaan ng Trailer Truck, Patay!

531

Tumauini, Isabela – Dead on arrival sa pagamutan kahapon, January 12, 2019 pasado alas onse ng gabi ang drayber at back rider ng isang motorsiklo matapos na matumba sa daan, tumilapon ang dalawa at masagasaan ng trailer truck sa kahabaan ng National Highway Brgy. 1, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina John Lou Guzman at Jaypee Lumapad Guiou, pawang nasa tamang edad at residente ng Brgy. Pilitan, Tumauini, Isabela habang ang drayber ng trailer truck ay si Nick Reyes Mayo, binata at residente ng Malinta, Lasam, Cagayan.


Sa imbestigasyog isinagawa ng mga otoridad ay napag-alaman na patungong south direction ang motorsiklo ng dalawang biktima at pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay basta na lamang natumba sa daan kung saan ay tumilapon naman sina Guzman at Guiou sa gitna ng daan.

Hindi kaagad napansin ng sumusunod na trailer truck at nasagasaan ang dalawang biktima.

Dinala sa Tumauini Community Hospital sina Guzman at Guiou ngunit idineklarang dead on arrival na ang mga ito.

Samantala, ang drayber ng truck ay nasa kustodiya na ng Tumauini Police Station para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers