Estudyante na Nalunod sa Ilog, Patay!

198

Tumauini, Isabela – Idineklarang patay na ang isang estudyante nang itinakbo ito sa pinakamalapit na pagamutan matapos na malunod sa ilog, pasado alas kwatro ng hapon nitong nakaraang araw ng Sabado sa Brgy. Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Christian Areola Lanuza, 13 anyos, grade 8 student at residente ng Malamag West, Tumauini, Isabela.

Batay sa pangyayari ng insidente, nagtungo umano sa gitna ng ilog si Lanuza dahil sa tinangay ng tubig ang kaniyang tsenelas ngunit nang makarating sa malalim na bahagi ng ilog ay nalunod ito dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Nakuha rin ng ilang residente ng Brgy. Antagan 1st ang katawan ni Lanuza at isang concerned citizen umano ang nagbigay ng first aid ngunit hindi parin nagkamalay ang biktima.

Itinakbo sa Tumauini Community Hospital ang estudyante ngunit dead on arrival na ito.

Facebook Comments