Drayber at Helper ng Truck sa Cabatuan Isabela, Arestado Matapos Isinilbi ang Warrant of Arrest!

Cabatuan, Isabela – Arestado kahapon ng umaga ang driver at helper ng truck matapos isinilbi ang warrant of arrest sa Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Ang mga akusado ay sina si Joselito Oropesa Lacanilao, apatnapu’t limang taong gulang, driver; at si Mark Paul Alberto Leal, dalawampu’t dalawang taong gulang, helper at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Inaresto ang dalawang akusado dahil sa kasong isinampa sa tanggapan ni hukom Heherson Casareno noong September 6, 2018 ng 15th MTC Jones-San Agustin Isabela dahil sa kasong Less Serious Physical Injuries.


Makakalaya lamang sina Lacanilao at Leal kung makakapaglagak ng nairekomendang piyansa sa halagang dalawang libong piso bawat isa.

Nasa kustodiya na PNP Cabatuan ang dalawang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago sa kanilang court of origin.

Facebook Comments