PINABULAANAN | Pinakahuling kwento ni Enrile ukol sa martial law, kinontra

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan nina Senators Koko Pimentel at Nancy Binay ang pinakahuling kwento ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na walang inaresto at ipinakulong noong panahon ng martial law.

Ayon kay Pimentel, mayroon siyang personal na kaalaman ukol sa tunay na nangyari sa martial law dahil ang kanyang ama na si dating Senate President Nene Pimentel ay ilang na beses na nakulong.

Binigyang diin naman ni Senator Nancy Binay na ang kanya ama na si dating Vice President Jejomar Binay ay nakulong din.


Kwento pa ni Senator Binay, ilang beses din nilang naranasan na lumahok sa rally noong panahon ng martial law.

Facebook Comments