Drayber at Kundoktor, Sugatan sa Aksidente sa Naguilian, Isabela!

437

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang drayber at kundoktor ng pampasaherong bus matapos na maaksidente sa bahagi ng National Highway sa Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng mga pulis sina Alfredo Ruz, 57-anyos, drayber ng Dalin Bus na may temporary plate # 024402 na residente ng Barangay 2, Tumauini, Isabela at konduktor nitong si Raul Alcantara, 45-anyos na residente naman ng Guibang, Gamu, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFMCauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), dakong alas 5:00 kaninang umaga, pumara umano ang isang pasahero na lulan ng nasabing bus upang bababa sana subalit hindi umano nakontrol ng drayber ang manibela ng nasabing bus na dahilan ng pagka-aksidente at pagbangga sa isang stall.


Sinubukan pa umanong magpreno ng drayber subalit tuluyan pa rin nitong sinuyod ang naturang stall sa naturang lugar.

Facebook Comments