Drayber, Huli sa Pagbebenta ng Droga!

80

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang drayber matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng otoridad sa Purok 3, Brgy. Apanay, Alicia, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Dennis Lorenzo, 32-anyos, drayber, may-asawa at residente ng Barangay Usol, Jones, Isabela.


Sa isinagawang operasyon ng mga otoridad, dakong 2:45 kahapon nang isagawa ang transaksyon laban kay Lorenzo ay narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at marked money na limangdaang piso ( P500.00).

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments