Drayber Inireklamo Matapos Pagnakawan ang Pinagsisilbihang Warehouse!

62

Inireklamo sa tanggapan ng Santiago city Police Station 2 ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng mga gamit ng sasakyan sa isang ware house na pinagsisilbihan sa Brgy. Dubinan West Santiago City.

Ang nagreklamo ay kinilalang si Clarita Gaddi, 66 anyos, may asawa, negosyante at residente sa naturang lugar habang inireklamo nito si Santiago Adriano, nasa hustong gulang, driver/mechanic, at resIdente sa bayan ng Echague Isabela.


Batay sa report ay ipinagbigay alam ni Gaddi ang umanoy pagnanakaw ng suspek matapos mapag-alamang kinuha nito ang ilang heavy equipment sa kanilang warehouse.

Nakuha nito ang 4 tires ng dump truck, 1 gipipe, 1 towing bar tab, 1 engine lifter, at iba pang gamit o kasangkapan ng heavy equipmnt.

Ngayon araw ay isinampa na ang kasong robbery laban sa suspek.

Facebook Comments