Retiradong Pulis, Pinagbabaril-Patay!

1477

Echague, Isabela – Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem criminals pasado alas kwatro kaninang hapon sa Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Danny M. Alingog, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Fugaru, Angadanan, Isabela habang ang mga suspek ay tinutukoy pa ng mga otoridad.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, bago pa makasakay ang biktima sa kanyang sasakyan na nanggaling sa isang sabungan ng nasabing bayan ay bigla na lamang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng maraming beses ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na tumakas ang mga suspek patungong Brgy Sto Domingo, Echague, Isabela matapos ang pamamaril lulan ang kanilang motorsiklo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP Echague sa naturang pamamaril at hot pursuit operation laban sa mga suspek.

Facebook Comments