Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na ipinatawag na ng kanilang tanggapan ang drayber na nagtrending sa social media dahil sa di umano’y paninigaw at pag-oovercharge ng pamasahe sa mga pasahero sa Pangasinan.
Ito’y matapos ipatawag ang representante ng LTFRB Region 1 sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Attorney Anabel A. Marzan-Nullar, wala umanong nagfa-file ng formal complaint sa rehiyon ukol sa overcharging ng pamasahe.
Bagamat walang natatanggap na reklamo ang ahensya, agad naman nilang inaksyunan ang nasabing problema.
Sinabi nito, ipinatawag na ng kanilang kanilang tanggapan ang drayber at operator ng jeep upang bigyan sila ng dahilan kung bakit hindi kailangang bawiin ang kanilang Certificate of Public Convenience (CPC) o di kaya kung bakit hindi ito kailangang masuspinde ang kanilang prangkisa.
Dahil dito, hinikayat ni Nullar ang mga mananakay na maaaring isumbong ang mga drayber na nag-oovercharge sa kanilang tanggapan o di kaya ay sa facebook page na LTFRB Region 1.
Ang sinumang mahuhuli ay maaaring magmulta ng 5, 000 sa first offense, 10,000 sa second offense at 15,000 sa third offense with suspension and cancellation ng kanilang mga certificate. |ifmnews
Facebook Comments