GOOD NEWS: BAYAN NG BOLINAO, ITINANGHAL BILANG BEST BOOTH SA KATATAPOS NA PTM 2022

36
Nasungkit ng Bayan ng Bolinao ang Best Booth sa ilalim ng kategoryang largest and longest travel fair sa Pilipinas sa ginanap na 33rd Philippine Travel Mart (PTM) sa SMX Convention Center, Pasay, nitong ika-2 ng Oktubre 2022.
Ang disenyo ay under the sea inspired booth at inisip ni Hon Vice Mayor Richard Celeste sa pakikipagtulungan ng Bolinao Artist Guild Inc (BAGI) sa pamumuno ni Wenn Pidlaoan Licuanan.
Ang nasabing booth ay mula sa burloloy na gawa ng kamay ng ating mga masugid na manghahabi sa Santiago Island.

Ang naturang programa ay ang longest-running travel trade exhibition sa Pilipinas na dinaluhan ng 200 travel exhibitors na mula sa iba’t-ibang probinsya sa Pilipinas na may layunin sa pagsulong at pagpapaunlad ng domestic at inbound na turismo na nagpapakita ng mga atraksyon panturista at ang pinakabagong mga handog sa turismo sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments