Drayber na Wanted sa Batas, Arestado sa Echague, Isabela!

70

*Echague, Isabela*- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violation Against Women and Children ang isang lalaking wanted sa batas matapos itong madakip ng kapulisan sa Barangay Soyung, Echague, dakong alas syete kanina, Hunyo 24, 2018.

Kinilala ang nadakip na si Nixon Batarao, 43 anyos, walang asawa, drayber at residente sa nasabing barangay.


Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, naaresto ng kaulisan si Batarao sa bisa ng ipinalabas na madamyento de aresto ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Echague, Isabela.

Sa ngayon ay hawak na ng kapulisan si Batarao na nahaharap sa kaukulang kaso at pansamantala naman itong makakalaya kung makakapaglagak ng pyansang nakakahalaga ng tatlumpu’t anim na libong piso.

Facebook Comments