Drayber ng Motorsiklo Patay, Matapos Matumbok ang Kasalubong na Bus sa Cabagan Isabela!

Cabagan, Isabela – Dead on arrival ang drayber ng motorsiklo matapos matumbok ang kasalubong na truck bus higer sa kahabaan ng Brgy. Magassi, Cabagan, Isabela kahapon.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan kinilala ang nasawi na si Alfonso Quilang, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Brgy. San Juan, Cabagan, Isabela at ang angkas nito na nagtamo ng matinding sugat sa katawan ay si Ramon Ochoa, tatlumpung taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Mangcuram, City of Ilagan, Isabela.

Samantala ang drayber ng bus ay si Crisostomo Arellano, limamput pitong taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Calog Sur, Abulug, Cagayan.


Batay sa pangyayari patungong north direction ang motorsiklo at sa pakurbang bahagi ng daan partikular sa Barangay Magassi, Cabagan ay nawalan umano ng kontrol ang manibela at sumalpok sa kasalubong na bus.

Sa lakas ng impak ng banggaan ay tumilapon ang motorsiklo na naging sanhi ng kritikal na kalagayan ng dalawang biktima na itinakbo agad sa pikamalapit na pagamutan ngunit dead on arrival si Alfonso Quilang.

Samantala boluntaryong sumuko sa himpilan ng PNP Cabagan ang drayber ng truck bus higer at dinala narin ang dalawang sasakyan sa PNP Cabagan para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments