Drayber sa Aurora Isabela, Timbog sa Buy Bust!

38

Aurora, Isabela- Arestado ang isang drayber matapos itong madakip sa ikinasang drug buy bust operation ng pinagsanib pwersang PDEA RO2, IPPO Drug Enforcement Unit at PNP Aurora sa Barangya San Juan, Aurora Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Menandro Presentacion Soriano, 49 anyo, may-asawa, drayber at residente ng brgy. Rosario, Santiago City, Isabela.

Sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan ay kumagat umano ang suspek sa pain ng mga otoridad at nakuha mula sap ag-iingat nito ang isang sachet ng shabu, isang libong piso na ginamit bilang buy bust money, isang unit ng cellphone at isang lighter.

Agad namang dinala sa himpilan ng PNP Aurora ang naturang suspek para sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments