Dalawang lalaking nasamsaman ng Marijuana, Arestado!

Ilagan City- Bagsak kulungan ang dalawang katao matapos masamsaman ng marijuana sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad dakong alas kwatro y medya kahapon sa Brgy. Osmeῆa City of Ilagan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Joshua Gideon Queddeng Palattao, 18 anyos, at residente ng brgy. Alibagu City of Ilagan at ang kasama nitong si Sean Archer Losuegro Cabasak, nasa tamang edad at residente sa naturang barangay.

Sa impormasyong ipinarating ng PNP Ilagan ay nadakip umano ang dalawa matapos bentahan ng mga ito ng marijuana ang isang nagpanggap na buyer.


Samantala, nakuha mula sa kanila ang isang eco bag na naglalaman ng tuyong dahoon ng marijuana na nabalot sa plastic na may transparent tape habang narekober din kay Joshua ang isang genuine one thousand pesos at pitong libong pisong boodle money, at isang unit ng cellphone.

Sa ngayon ay nasa kustidiya na ng PNP Ilagan ang dalawa na mahaharap sa kasong paglabas sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments